Si "that girl"
Siya si Mike. Binata na. Hindi naman matipuno ngunit pogi. Mahiyain. Madalas nang dahil sa lock-down, nakaupo lang siya sa kanilang terasa ng pangalawang palapag ng kanilang bahay. Ito ay nasa loob ng isang exclusive na village.
Araw-araw, sa kanyang pagtatanaw sa kaniyang paboritong pwesto ng kanilang terasa, nakikita niya si "that girl". Si "that girl" na mahilig ilakad paikot ng village ang kanyang asong mabalahibong puting-puti. Walang mintis, si "that girl" nakasuot na naman ng maiksing shorts. Bagay na bagay naman sa kanya. Lumalabas lalo ang kanyang kaputian at haba ng kanyang mga legs.
Si Mike, masaya na naman sa tanawin. Takaw tingin lang siya kay "that girl" pero ayaw niya naman magpapapansin. Sabi nga kanina - mahiyain ito. Kaya wala. Yan tuloy tingin-tingin lang siya kay "that girl". Samantalang si "that girl" parang bang pagpinapanood niyang naglalakad ay tilang nasa ulap ito. Yung tipong - "she's kinda bouncy with her hair flying like that in a shampoo commercials".
Pero wala e. Si Mike ayan nakatingin lang. Hangang-hanga pero tameme. ECQ naging MECQ na naging MGCQ at GCQ pero hangang tinging na lang si Mike.
Tamang-tama dahil GCQ na pwede nang lumabas ng bahay. Nakakapunta na ng malls o kahit bumili man lang ng masarap at mainit na tinapay sa tawiran sa harap ng main entrance ng village. Kaya si Mike, alas kwatro ng hapon, naisipang lumabas para bumili ng tinapay. Naglakad. Lumabas ng main entrance at tumawid. "Ate pabili nga ng mamon, tatlo." Inabot ang bayad at kinuha ang mamon sabay lingon sa kanan. Naks, nakatayo si "that girl" mga tatlong dipa mula sa kanya. Syempre si Mike - tulala!
Tamang tama, patawid si "that girl". Naisipan niyang sabayan ito. Ayan na tatawid na sa pedestrian lane. Isa, dalawa...ah teka, bigla na lang nanlumo si Mike. Dyahe, nahihiya siya. Anak ng putatke naman oo. Pinilit niyang sumunod...hakbang isa, dalawa...BLAG!
"Ay ang lalaki nabangga!" Sigaw ng ale.
"Tumilapon siya. Hali kayo tulungan natin siya!" ani ng isang mama.
Sa gulat napalingon si "that girl". Nahinto sa gitna ng kalsada. Akay niya ang kanyang punting-puting aso. Lumapit sa lalaking nakahandusay sa kalsada at duguan. Gumagalaw pa. Pilit na inaabot ang kamay kay "that girl" na tila bang may sasabihin. Si "that girl" walang kime naman nilapit ang sarili...Teka may sinasabi ang lalaki. Nilapit pa niya ang kanyang ulo. Hindi niya namalayang nakaluhod na pala siya sa gitna ng kalsada sa gilid ng lalaki.
"Ako si Mike...aahhh...at dahil sa iyo...." at siya ay nilagutan ng hininga.
Anghel: Sabi sa iyo walang kwenta ang pagiging tameme!
Comments
Post a Comment